Manila (June 24, 2021)- Dating Pangulong Benigno Simeon “Nonoy” Conjuangco Aquino III pumanaw na nitong Huwebes ayon sa isang kaanak na hindi pinangalanan hanggang wala pang opisyal na pahayag ang pamilya base sa balita ng ABSCBN.

Si dating Pangulong Aquino ay naging pangulo mula taong 2010 hanggang 2016.Naging senador rin siya simula 2007 hanggang 2010 at naging Congressman ng halos sampung taon, na naging Deputy House Speaker noong 2004.

Si Dating Pangulo Aquino ay bumaba sa pwesto limang taon na ang nakararaan kung saan naging kilala ang kanyang administrayon sa “Daang Matuwid” campaign.