Taiwan (June 9, 2021)- Isang dormitory na nasa pamamahala ng ShengHua Management ang kinordon kanina matapos mabahala ang mga kalapit na residente dahil ginagawa umano itong quarantine facilities ng mga empleyado mula sa kumpanyang KYEC.

Ayon sa ulat ng UDN, tinatayang nasa 39 katao ang lumipat sa nasabing dormitoryo upang sumailalim sa home quarantine. At para mapanatag ang mga katabing residente ay pinalagyan na ng kordon ni Hukou Township Mayor Lin Zhihua sa mga pulis ang nasabing lugar at inatasan na rin ang ahensya na isailalim sa disinfection ang dormitoryo at ang paligid upang mapanatag umano ang mga katabing residente.

Samantala ayon naman sa Labour Department ay inaalam pa nila ang listahan kung ito pa rin ba ang mga nilipat noong Mayo 31.At nilinaw naman ng ahensya na kwalipikado ang dormitoryo para sa “one person in one room” para sa quarantine. Pero inaalam pa ngayon kung nabigyan ba ng abiso ang Hsinchu County hinggil sa paglipat at kung may nilabag man ay papatawan nila umano ng parusa ang kumpanya.

Ayon sa balita, patuloy naman nakikipag-ugnayan ang pamunuan ng Sheng Hua Management sa Miaoli County government, Hsinchu City at Hsinchu County higgil sa sitwasyon!

READ MORE ON….UDN