Taiwan (July 23, 2021)- COVID-19 Alert level 3 sa Taiwan nakatakdang ibaba sa level 2 ngayong Biyernes ayon sa Gabinete. At pagluluwag ng mga ibang government restriction nakatakda ngayong Hulyo 27.
Matatandaang nasa kalahati ng buwan ng Mayo ng itaas sa alert level 3 ang bansa dahil sa COVID-19 Outbreak. Sa pagbaba ng alert level ay inaasahan ang pagbubukas ng mga business establishment at mga venues ayon kay Cabinet Spokesperson Lo Ping-cheng.
Sa pagluluwag ng restriction ay papayagan na ang outdoor gathering hanggang 100 katao at 50 naman sa indoor gathering. At inaasahan ang mga restaurant ay tatanggap na ng mga dine-in services.
Mga iba pang anunsyo hinggil sa pagbaba sa alert level 2 ay abangan sa regular presscon ng Central Epidemic Command Center (CECC).