Taiwan (July 23, 2021)- Update hinggil sa bilang ng COVID-19 sa bansang Taiwan. Ngayon araw ay nagtala ng 24 na mga bagong kaso ayon sa bagong datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC).

Ayon kay Health Minister at CECC Head Chen Shizhong,Ā nagtala ng 23 na mga bagong local cases ang bansa at 1 naman ay imported case, at 2 naman ang naitalang namatay.

Nagatala ng ang lugar ng New Taipei City ng 13 kaso, sinundan ng Taipei City at Taoyuan City na may tig-apat kaso. At Yilan County at Kaohsiung City ay nagtala ng tig-isang kaso.

Base sa datus ng CECC, kabuuang bilang ng mga nagpositibo pumalo na sa 15,535, kung saan 1,254 ay pawang mga imported case at 14,228 naman ay mga local cases. Samantala kabuuang bilang ng namatay ay pumalo na sa 784.