Taipei Taiwan (April 2, 2021)- Kinumpirma ng pamunuan ng National Fire Agency na 48 pasahero ang kumpirmadong nasawi sa nangyaring pagkadiskaril ng Taroko Express Train dakong alas 9:28 ng umaga.
At nasa 66 naman nasa pang-walong bagon ang lubhang nasugatan at 6 dito ay dinala sa mga ospital sa Eastern Taiwan Counties.
Base sa ulat ng TRA ngayong hapon nailabas na sa mga bagon ang lahat ng pasahero kung saan 48 ang kunpirmadong patay.
Base sa paunang imbestigasyon, nasagi umano ng Tarako Express train ang crane truck bago pumasok sa tunnel sa may Hualien dahilan upang mawalan ng Control ang mga bagon. Hinala ng pamunuan ng TRA, ang Crane truck na nakaparada sa itaas ng burol ay hindi umano nai-emergency break ng driver dahilan upang ito’y nadulas at nahulog sa riles ng train kung saan nagkataon naman na paparating ang Taroko Express Train.
Samantala inaalalam pa ng Embahada ng Pilipinas kung may mga Pinoy na nadamay sa insidente.