Taipei Taiwan (April 2, 2021)- Maraming pasahero ang nawalan ng malay ayon sa Taiwan Railway Administration (TRA) matapos madiskaril ang Taroko Express Train na may lulang aabot sa 350 na pasahero.

Ayon sa TRA, nadiskarel umano ang No. 408 na train ng Taroko Express sa may tunnel ng Hualein sa Eastern Taiwan ngayong araw ng Biyernes dakong alas 9:28 ng umaga, kung saan may biyaheng patungong Taitung mula sa Shulin sa New Taipei.

Agad naman nagpadala ng rescue ang pamahalaan at iniimbistigahan pa ang sanhi ng insidente kung saan nadiskaril ang pangalawa at pangatlong bagon.