Manila, Philippines ( May 23, 2021)- Isang concerned citizen ang nagbigay impormasyon sa di umanong bintahan ng Covid-19 vaccination slots sa Mandaluyong City, maaaring makapili ng nais na brand ng bakuna ang customer sa mismong vaccination site.
Ayun kay “Norman” di niya totoong pangalan, nakatanggap umamo siya ng mensahe sa kanyang kaibigan sa kolehiyo na nag-aalok ng bakuna kontra COVID-19 na nagkakahalaga mula P12,000-P15,000.
“Minessage lang po ako ng friend ko asking kung gusto ko ng Pfizer o Astra (AstraZeneca) sabi ko why not. And then when I realized na sa LGU pala ‘yun, I asked if kung anong pinuhunan nila ‘bat nila ibinebenta.’ Apparently nagbebenta sila ng slots for Mandaluyong, sabi ko eh from Las Piñas ako ’bat mo binebenta yan?” ayun kai Norman.
“For Pfizer ‘pag kilala ‘nya daw P12,000 and then normally daw P15,000 nila ibinebenta,
Ang AstraZeneca’s COVID-19 vaccine ay nagkakahalaga lamang ng di bababa sa P10,000.
Upang makompirma, nagtanong si Norman sa isang kaibigan na kakilala sa isang Mandaluyong official tungkol sa bentahan at napagalamang wala itong balita tungkol dito.
“’Yung niece ng vice mayor, friend ko so I asked if alam niya ba ‘yan and then I talked to the niece, hindi daw and apparently, kahit sila nakapila so nagalit sila, so I think they [will] look into it na din,” ayun kay Norman.
Ang kanyang kaibigan ay nagpasa ng mga ebidensyang screenshots sa pagbabayad tungkol sa covid-19 vaccination scheme na nagkakahalaga bawat slot ng P12,000.
Ayun kay Norman, hindi pa siya nakakasigurado kung ang kanyang kaibigan ay kasali sa scheme ng bentahan o isang middleman lamang.
Sinabi ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya sa isang pahayag noong Beyernes ng hapon, na paiimbestihan niya ang ulat tungkol sa bentahan ng bakuna sa PNP.
Pinanindigan ng mga opisyal ng pamahalaan na ang mga bakuna sa COVID-19 ay hindi binebenta.