Taiwan (July 15, 2021)- Pinangunahan ngayong araw ni Health Minister at CECC Head Chen Shizhong ang pagtanggap ng mga bakuna sa bansa. Ayon kay Deputy Commander Chen Zongyan, kaya wala umano ito ngayon sa Command Center Presscon.
Ayon sa Command Center, ngayong araw ay darating ang donasyon ng bansang Japan na AztraZeneca Vaccine na kung saan tinatayang nasa 970,000 piraso. Ito na raw ang pangatlong beses na nagbigay ang bansang Japan ng bakuna kung saan ang unang donayson ay umabot sa 1.24 milyong bakuna, pangalawa ay 1.13 milyon at ngayong hapon naman ay 970,000. Sa kabuuan ay umabot na sa 3.34 milyong bakuna ang naibigay ng Japan sa Taiwan.
Samantala inaasahan rin darating ngayong hapon ang sariling bili na 560,000 AztraZeneca vaccine mula sa Thailand at 350,000 namang Moderna vaccine mula sa Luxembourg.