Taiwan ( July 17, 2021)- Isang magandang balita ang hatid ngayong hapon ng Central Epidemic Command Center (CECC), dahil nagtala lamang ang bansa ng 8 local case ng COVID-19.

Ayon sa Command Center, ngayong araw ay 8 local case ang naitala kung saan 6 na lalaki at 2 babae, 4 na imported case at isa naman ang nasawi.

Naitala mga bagong kaso sa New Taipei City kung saan 5 ang nagpositibo, sinundan ng tig-isang kaso sa mga lugar ng Taipei City, Taoyuan City, at Taichung City.