Pilipinas (August 2, 2021)- Grupo ng mga magsasaka sa Pilipinas hinikayat si Vice President Leni Robredo na tumakbo sa pagka-pangulo sa susunod na eleksyon.
Nasa 15 na mga grupo ng magsasaka mula sa ibat-ibang lugar umano ang nanghihikayat kay Robredo na tumakbo sa susunod na eleksyon kung saan tinawag pa ang kanilang grupo na “Leni Urban Poor.”
Ayon kay Alice Murphy na Associates ng “Urban Poor”, marami na raw napatunayan si Robredo na mga natulungan sa laylayan ng kumunidad.
“Hindi po kami naniniwala sa survey… Kami ang unang-unang biktima sa mga nangyayari sa panahong ito… Malamang hindi kami naririnig pagdating sa survey, dahilan sa dino-doktor lamang ang survey,” ayon naman kay Jonjon Elago ng Ulap Confederation.
Ayin naman kay Cherry Capa of Solidarity of Oppressed Filipino People-Samahan ng Maralitang Pilipinong Api (SOFP-DAMPA), hindi umano ito usapin ng pera ang pagktakbo ni Robredo, kundi ito ay laban ng mga maralitang inaapi. Kaya naman plano ng grupo na kumalap ng pondo kahit piso-piso pa umano.
Nanawagan naman kay Jessica Amon of Community Organizers Multiversity sa mga urban poor families na huwag tumanggap ng anumang bayad mula sa mga politiko kapalit ng kanilang mga boto.
“Kaya tayo nagkakaisa-isa rito para ipakita na walang kahit na anong suhol na magpapabalik sa atin,” aniya.
Sa ngayon ay wala pang anunsyo mula sa kampo ni Robredo kung tatakabo nga ba ito sa pagka-pangulo sa 2022.