Taiwan (June 29, 2021)- Muli isang magandang balita para sa bansang Taiwan dahil ngayong hapon sa inilabas na datus ng Central Epidemic Command Center (CECC) ukol sa COVID-19, ang bansang Taiwan ay nagtala lamang ng 54 na mga bagong kaso, pinakamababa simula ng nagkaroon ng Outbreak buwan ng Mayo.
Ayon kay Health Minister at CECC Head Chen Shizhong, ngayong araw ay nasa 54 lamang ang naitalang kaso sa bansa at walo naman ang naitalang namatay.
Nangunguna pa rin sa mga lugar na may pinakamaraming kaso ang New Taipei City kung saan nagtala ngayong araw ng 22 at sinundan naman ng Taipei City kung saan 20 kaso, Taoyuan City at Hsinchu County naman ay nagtala ng tig-apat na kaso, Changhua County ay 2 kaso, Keelung City at Pingtung County naman ay nagtala ng tig-isang kaso.
Base sa kabuuang datus ng CECC, pumalo na sa 14,748 ang mga nagpositibo sa bansa kung saan 1,170 ay pawang mga imported case at 13,525 naman ay mga local case. At kabuuang bilang ng mga namatay simula noong taong 2020 ay pumalo na sa 643 na kung saan 635 dito ay mga galing sa local case.