Taiwan (June 12, 2021)- Ngayong araw ng Sabado, nagtala ng 251 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang bansa at 26 na patay ayon sa datus ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon sa ahensya, ngayong araw ay nasa 250 mga local cases ang naitala, isang imported case at nasa 26 naman ang naitalang namatay kung saan nasa 116 ay mga lalaki at 134 naman ay babae na nasa edad 5 hanggang 100 na taong gulang.
Naitala ang pinakamarami sa New Taipei City na may 133 cases at sinundan ng Taipei City na may 65 cases, Keelung City 16 cases, Taoyuan City 13 cases, Miaoli County 9 cases, at Hualien County 3 cases. At ang mga lugar naman ng Yilan County, Hsinchu City, Changhua County at Taichug City at nagtala nga tig-dalawang kaso. Samantala ang Kaohsiung City, Yunlin County, at Hsinchu County at nagtala ng tig-isang kaso.
Sa kabuuan na sa 12,746 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 1,154 ay pawang mga imported case at nasa 11,539 naman ay mga local cases. At sa kabuuan ng naitalang namatay ay umabot na sa 411 ayon sa datus ng CECC.