MANILA (June 7, 2021) – Walang basehan ang mga hakahaka tungkol sa negatibong epekto ng bakuna, ito ay ayon kay Senador Richard Gordon. Ipagsabihan din niya ang mga mamamayan tungkol sa kahalagahan ng pagpapabakuna laban Covid-19.
“Kailangan talaga, magpabakuna kayo. Bawal ang tanga. Kung di kayo magpapabakuna, dun na lang kayo sa bahay habang buhay, ‘wag kayong lalabas,” pahayag ng Sendor sa ABS-CBN’s TeleRadyo.
“Kailangan gampanan niyo ang tungkulin niyo sa inyong sarili at kamag-anak sa bahay niyo, at mga makakausap ninyo kung kayo ay lalabas…I’m not going to pull my punches. Bawal ang tanga, bawal ang tamad, magpabakuna kayo.”, dagdag pa ng senador.
Mahigit 1.2 milyong Pilipino na ang nakompleto sa bakuna, ito ay naitala noong June 2. Nasa 5.38 milyong bakuna na ang naibigay laban sa Covid-19, kasama na rito ang 4,088,422 na unang dose ng bakuna.
Ang mga fake news sa internet tungkol sa mga posibleng side effects ng bakuna ang rason kung bakit marami pa ring Pilipino ang ayaw magpabakuna laban Covid-19. Dahil dito ang pursigido ang Department of Health na maibalita at maipaalam sa mamamayan ang kahalagahan ng bakuna upang masugpo na ang pagtaas ng bilang ng kaso ng Covid sa bansa.
Ang bansa ngayon ay mayroon ng 1.26 milyong total na kaso ng Covid at 6,955 na bagong impeksiyon.