Taiwan (June 6, 2021)- Kaso ng mga nahawaan sa King Yuan Electronics Co. Ltd. (KEC), pumalo na sa 182 at ngayong araw ay nasa 7,106 na ang sumailalim sa rapid testing ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon kay Health Minister Chen Shizhong ay pumalo na sa 158 na mga migrant worker ang nagkaroon ng COVID-19 sa kumpanyang KYEC at nasa 24 naman ang mga Taiwanese. Sa ngayon ay hawak ng CECC ang sitwasyon ng kumpanya at tigil operasyon ito habang inaayos pa ang lahat.
Samantala, nagpatupad naman ng mga bagong implementasyon ang CECC para sa mga empleyado at kumpanya!
- Lahat ng mga Foreign workers ay bawal muna magtrabaho, at walang lalabas sa mga dormitoryo. At bayad
- Lahat ng mga Foreign workers na malapit sa “High risk areas” ay dadalhin sa mga government facilities at ang mga nasa “medium-risk areas” naman ay dorm quarantine lang ang gagawin at sasailalim sa health monitoring.
- Lahat ng mga foreign national na mga nagpositibo ay agad namang iimbestighan at contact tracing. At mas pag-igtingin pa ang health monitoring sa mga naiwan.
- Lahat ng mga kumpirmadong nagpositibo ay tatapusin ang gamutan.
- Magkakaroon ng company at dormitory inspection ang Bureau of Industry, Epidemic Prevention Physician, at ng kumpanya. Ang produksyon ay babawasan dahil sa manpower at bubuksan ito batay sa pamantayan ng Epidemic Prevention plan ng gobyerno.
Sa ngayon ay nadala na ang mga empleyado sa government facilities at ang mga nagpositibo ay kasalukuyang nagpapagaling sa mga pagamutan.