Taiwan (June 5, 2021)- Ngayong araw ng Sabado habang nagpapatuloy ang COVID-19 mass testing sa kumpanyang KYEC. Umabot naman sa 53 ang naitalang nagpositibo ayon sa CECC.
Ayon sa Ahensya, nasa 43 ang mga migrant workers at 10 naman ang mga Taiwanese nagpositibo. Samantala kahapon ay Nagtala ng 51 na mga kaso ang kumpanya. Sa kabuuan ay umabot na sa 152 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa KYEC.
Matatandaang nasa 7,300 na mga empleyado ang isinailalim sa COVID-19 Mass testing ayon sa CECC.
Samantala nagdeklara kagabi hanggang sa Linggo ng gabi na walang pasok ang kumpanya at lockdown ang mga dormitoryo upang bigyan daan ang disinfection at testing.
Sa ngayon ay nangunguna ang Central Epidemic Command Center sa isinagawang mass testing at pinanatili namang nakabantay ang mga pulis sa labas ng dormitoryo ng Shenghua / KYEC upang siguraduhing susunod ang mga nakatira sa isinagawang health protocol.
SOURCE:TVBS