Taiwan (June 5, 2021)- Pangalawa sa pinakamalaking Electronics Factory sa Chunan, Miaoli County kinumpirmang may nagpositibong empleyado na nakuha umano mula sa KYEC Cluster.

Isang OFW na empleyado ng Greatek Electronics Co. Ltd. na subsidiary naman ng isa pinakamalaking Electronics Company sa Taiwan na PTI ang nahawa mula cluster sa case 2449 ng KYEC

Ayon sa pamunuan ay nakatakda namang isailalim sa Rapid test ang nasa 4,000 mga empleyado kung saan gastos lahat umano ng kumpanya.

Sa kasalukuyan ay normal daw ang operasyon  ng kumpanya at naka-isolate na rin ang mga nakasalamuha ng nasabing pasyente.

Update: Nasa 9 katao ang nagpositibo sa COVID-19 sa kumpanyang Greatek ayon sa local news.