Taiwan (June 4, 2021)- Dahil sa nangyayaring COVID-19 Outbreak sa kumpanyang King Yuan Electronics Co. Ltd. (KYEC), nakatakdang mag-shutdown ang kumpanya ng dalawang araw ayon sa pamunuan.
Ngayong gabi ng Biyernes Hunyo 4, 1900H hanggang sa Hunyo 6, 1900H ng Linggo ay “Shutdown” ang kumpanya upang bigyang daan ang disinfection, COVID-19 mass testing at Contact tracing.
Simula ngayong gabi ay lockdown ang mga Dormitory ng Shenghua sa Chunan, kung saan mahigpit itong tutukan ng Gobyerno at babantayan ng mga pulis upanh siguraduhing walang makalabas na mga Foreign Workers. Ang mga dormitory ng Shenghua sa Chunan ay may dalawang lahi ang Pinoy at Vietnamese.
Sa ngayon ay nagbibigay ng Libreng pagkain at inuming tubig ang pamunuan ng KYEC / Sheng Hua Management sa mga empleyado habang naka-lockdown.
Samantala ngayong araw ay pumalo na 77 ang nagpositibo sa isinagawang rapid test at PCR test out of 2,247. Matatandaang nasa 7,300 mga empleyado ng kumpanya ang nakatakdang isailalim sa COVID-19 test.