Taiwan (June 4, 2021)- Ngayong araw ay patuloy pa rin ang isinagawang mass testing sa kumpanyang KYEC kung saan ayon sa CECC ay Umabot na sa 2,247 ang kanilang nasuri.
Ayon sa ahensya, nasa 7,300 mga empleyado ng KYEC ang nakatakdang sumailalim sa COVID-19 mass testing at kaninang tanghali sa datus ay umabot na sa 2,247 ang nasuri, kung saan lumabas na 54 ang ang positibo sa Rapid test at iba naman na may direct contact sa mga nagpositibo ay sumailalim sa PCR test kung saan lumabas sa kabuuan ay nasa 77 na ang nagpositibo sa isinagawang pagsusuri ngayong araw.
Samantala ngayong araw naman ay nasa 51 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa Miaoli County kung saan 29 ay mga OFW at tatlong Taiwanese. Kasama na dito ang 19 kaso na binibiripika pa ng ahensya. Samantala kahapon ay 32 ang nadagdag sa listahan ng nagpositibo mula sa kumpanya.
Sa kabuuan ay may meron nang 122 kaso ng COVID-19 ang Mioali County. At pumapangatlo ngayong araw sa New Taipei City at Taipei City sa may pinakamaraming nagpositibo sa COVID-19. Ayon sa CECC
SOURCE: UDN