Taiwan (May 31, 2021)- Bansang Taiwan muling nagtala ng 347 na mga bagong kaso ng COVID-19 kasama ang backlog ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC).
Sa isinagawang prescon ng ahensya ngayong hapon ay kinumpirma ni Health Minister Chen Shizhong na 274 na mga bagong kaso ang naitala ngayong araw ng Lunes at 73 backlog, at 4 naman na imported case ang naitala mula India at South Africa. Samantala 15 naman ang naitalang namatay.
Ang mga bagong kaso ng COVID-19 ay naitala sa mga lugar ng New Taipei City kung saan 171 cases, Taipei City naman ay 122 cases, 27 cases naman sa Taoyuan City, 10 cases sa Changhua County, 5 cases naman sa Taichung City, 3 cases naman naitala sa Miaoli County at Keelung City, 2 cases naman sa Hsinchu City, tig-isa naman ang naitala sa mga lugar ng Haulien County, Penghu County, Kaohsiung City, at Hsinchu County.
Kabuuang kaso ng COVID-19 sa Taiwan pumalo na sa 8,511 kung saan 1,137 ay mga imported case at 7,321 naman ay local cases. At 36 mula sa Dunmu Fleet, 2 mula sa Aircraft infection, 1 case unknown source, 14 under investigation. At kabuuang bilang namatay ay pumalo na sa 124 ayon sa CECC.