Taipei, Taiwan ( May 17, 2021)- Bansang Taiwan nagtala ng 333 na mga local case ng COVID-19 ngayong araw ng Lunes ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC).

Ayon kay Health Minister and CECC head Chen Shih-chung (陳時中), nagtala ang bansa ng 335 na bagong kaso kung saan 2 dito ay imported at 333 naman ay local. Nasa 144 ang mga babae at 189 naman ang lalaki

Mga lugar na pinagmulan ng mga positibo, 158 mula sa Taipei, 148 naman sa New Taipei, 10 naman sa Taoyuan, 6 sa Keelung, 5 sa Changhua County, 2 naman sa Taichung, 2 rin sa Yilan County at tig isa naman sa Hisnchu County at Miaoli County.

Sa kabuuan ay umabot na sa 2,017 ang mga nagpositibo sa Taiwan. 1081 ay imported case at 883 ay lokal na kaso.

Sa ngayon ay nasa 882 pa ang mga nagpapagaling sa mga ospital.