“May mga pagkakataon sa buhay natin na tila gusto na nating sumuko. Yung tipong gusto munang bumitaw, kasi hirap na hirap kana. Pagod na pagod kaya’t naiisip mo na gusto munang magpahinga, dahil sa mga problema at pagsubok na iyong kinakaharap.
PASIMULA: Ang buhay ng tao ay sadyang napakahiwaga, hindi ito masasabi na kung kaylan ito hihinto, lalo na sa larangan ng Pagsubok.
Hindi nating puweding sabihin na hindi kita kaylangan, layuan mo ako.
Pagsubok,Problema, ay kaakibat ng ating pagkatao. Kaylangan lang natin itong maunawaan at higit sa lahat paano mo ito malulusutan.
MGA BAGAY NA DAPAT MONG MALAMAN
KATAPANGAN AT KAHUSAYAN SA PAPANONG PARAAN?
●»Ituon mo ang iyong paningin sa Diyos.
(Hebreo 12:2)
●»Lahat tayo ay nakakaranas ng mga pagsubok sa buhay na talagang puwedi kang panghinaan.
Piro alam muba na kapag humaharap ka sa mga pagsubok, ay ipinapakita naman sayo ng Diyos na talagang makakaya mong harapin ang mga pagsubok.
●»Ang buhay ng isang manggagawa o OFW ay hindi biro ang pinagdadaanan sa buhay.
Yung tipong ibubuwis mo ang pagkakataon sayo na dapat kayong maging masaya kasama ang iyong Pamilya at mga kaibigan.
Piro dahil dala ng pangangailangan, kaylangan mong lumayo para sa iyong mga mahal sa buhay.
●»Kaibigan kung ikaw man ay humaharap sa pagsubok ngayun, wag kang mawalan ng pag-asa mag alala at matakot, hayaan mo na ang Diyos ang tumulong sayo.
Magtiwala kalang sa kanya, hindi ka niya iiwan ni pababayaan man,
Hindi ipapahintulot ng Diyos na ikaw ay subukin sa buhay na higit sa iyong makakaya.
ANG SABI SA KANYANG SALITA.
“Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng ibang tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo’y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok,bibigyan niya kayo ng lakas upang makayanan ito at ng paraan upang malampasan ito.”
(1-Corinto 10:13)
Kaya’t manatili po tayo sa kanyang mga Pangako.
BAGAY NA DAPAT NATING MALAMAN
●»Ang mga pagaubok na ating nararanasan ang siyang nagsasanay sa atin, para mas maging matatag sa buhay at mas lalong tumatag ang ating Pananampalataya sa Diyos.
●»Kaya’t sa kabila ng mga pagsubok na ating nararanasan, lagi nating tatandaan, na may Diyos na gagabay sa atin.
●»Wag tayong susuko, at huwag mawawalan ng pag-asa. Patuloy na magtiwala sa Diyos at maging matatag sa pagharap ng hamon ng buhay kasama ang Diyos.
Isang magandang pagninilay at gabay mula kay
† Pastor Anthony Mabini
OFWs Spiritual Guidance Councilor
Para sa karagdagang impormasyon maari po bisitahin ang kanyang Facebook Page Account https://www.facebook.com/OFWsSpiritualGuidanceCouncilor