Ang buhay sa mundong ito ay hindi nagtatapos dito.

Ang buhay natin ay isang pag-iinsayo paghahanda sa tamang lugar kung saan tayo nakahanay, Maraming bagay ang sinusubukan ng tao para lamang mabatid kung saan talaga siya nakahanay.

Mahalagang malaman po natin, na ang buhay ng tao ay sadyang may patutunguhan, na tanging ang Diyos lamang ang siyang nakakaalam.

Kaya’t wag po nating hayaan na pangunahan natin ang Diyos, sapagkat siya lang ang may karapatan kung saan tayo ibig niyang ilagay.

PAGLILINAW

●»Kapag naintindihan mo nang husto na may iba pang buhay bukod sa buhay ngayon, at nalaman mong ang buhay dito ay preparasyon lang para sa buhay na talagang nais ng Diyos na makamtan natin,

Magsisimula kang mamuhay nang iba kaysa dati. At makukulayan nito ang pakikipag-ugnayan natin sa iba, sa inyong paggawa, at sa bawat pagharap mo sa mga pangyayaring dadaan sa iyong buhay.At pati mga problemang dati ay para bang napakalaki at napaka-hirap lampasan, habang nagiging malapit ka sa Diyos, lalong lumiliit ang halaga sa iyo ng ibang bagay.

KAPAG IKAW AY NABUHAY SA ALITUNTUNIN NG DIYOS ASAHAN MONG SASAMAHAN KA NIYA SA LAHAT NG PANAHON.

●»Ang Diyos ay may layunin para sa buhay mo ngayon,hindi ito nagtatapos dito sa lupa. Ang kanyang plano ay sumasaklaw sa higit pa sa iilang dekadang ilalagi mo sa mundong ito. Ito ay higit pa sa sinasabing pagkakataon na minsan lang darating sa buhay mo. Ang inaalok sa iyo ng Diyos ay isang oportunidad na lalampas pa sa buhay mo sa mundo.

ANG SABI NG BIBLIA

“Ngunit ang mga panukala ng Diyos, ay mamamalagi’t walang pagkatapos.”

(Mga Awit 33:11)

 

Isang magandang pagninilay at gabay mula kay
† Pastor Anthony  Mabini
OFWs Spiritual Guidance Councilor

Para sa karagdagang impormasyon maari po bisitahin ang kanyang Facebook Page Account https://www.facebook.com/OFWsSpiritualGuidanceCouncilor