Pilipinas (August 3, 2021)- Habang papalapit ang eleksyon 2022 ay siya namang patuloy na namumud ng salapi si Congressman Peter Cayetano sa mga tao kung saan tinawag pa niya itong 10k Ayuda.
Sa post ng Facebook Account ni Cong. Cayetano ay sinabi niyang noong Biyernes ay namigay umano siya ng Sampung Libong Pag-Asa sa Bicol region o mas tinawag niya na “Sampung Libong Pag-asa Bicol Edition.“
“Natutuwa kami sapagkat ito ay nag-umpisa lamang bilang isang maliit na programang ang layunin ay ipakita kung gaano makatutulong ang 10K Ayuda sa pamilyang Pilipino. Pero dahil na rin sa pagiging bukas palad ng iba’t ibang tao, naipagpatuloy natin ang mabuting adhikain na ito.” ayon sa Facebook post niya.
Nagpapasalamat naman si Cayetano sa mga tagasuporta ng kanyang 10K ayuda bill na layong ipasa sa Kongeso, at hinimok rin niya ang mga tao na hingin ang suporta ng bawat mambabatas na nasasakupan nila.
“Ito ang nagsisilbing lakas sa amin sa Balik sa Tamang Serbisyo (BTS) sa Kongreso na ipagpatuloy ang laban upang maipasa ang 10K Ayuda Bill sa Kongreso.” Ayon sa post ni Cayetano.
Matatandaang Pebrero 1 ng taong kasalukuyan pa ng ihain ito sa Kongreso kasama ang mga kaalyado ni Cayetano ang 10k ayuda bill na layong bigyan ng sampung libong piso ang bawat pamilyang Pilipino.
Sa ngayon ayon kay Cayetano ay umabot na sa 7,733 beneficiaries sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ang nakatanggap sa 10K ayuda bill na pinamimigay niya.