Taiwan (July 22, 2021)- Update hinggil sa bilang ng COVID-19 sa bansang Taiwan. Ngayon araw ay nagtala ng 33 na mga bagong kaso ayon sa bagong datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon kay Health Minister at CECC Head Chen Shizhong,Ā nagtala ng 30 na mga bagong local cases ang bansa at 3 naman ay imported case, at 4 naman ang naitalang namatay.
Nagatala ng tig labing-isa ang mga lugar ng Taipe City at New Taipei City. At sumunod naman ay Taoyuan City na may pitong kaso at isa naman sa Hsinchu City.
Samantala sa mga tatlong imported cases ay Taiwanese na bumalik mula sa China, isang Amerikano mula sa Estados Unidos na pumunta upang magtrabaho, at ang pangatlo ay isang Taiwanese na galing sa UEA.
Base sa datus ng CECC, kabuuang bilang ng mga nagpositibo pumalo na sa 15,511, kung saan 1,253 ay pawang mga imported case at 14,205 naman ay mga local cases. Samantala kabuuang bilang ng namatay ay pumalo na sa 782 kung saan 774 ay mula sa mga local case.