Taiwan (July 21, 2021)- Update hinggil sa bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 ngayong araw sa bansang Taiwan. Base sa inilabas na datus ng Central Epidemic Command Center (CECC) ngayong hapon, ang bansa ay nagtala ng 25 na mga bagong kaso.
Ayon sa Command Center, ngayong araw ay 16 na local cases ang naitala, 9 ang imported cases at 5 naman ang naitalang namatay. At Naitala naman ang mga lokal na kaso sa Taipei City kung saan 9 ang naitala, 5 sa Taoyuan City at 2 sa New Taipei City.
Samantala, kinumpirma naman ng CECC na nasa 12,382 na ang na-released sa mga quarantine facilities out of 14,231 positive local cases mula sa buwan ng May 11 hanggang July 19. At nasa 87 % namang mga naka-quarantine ang nakalabas na mula sa government quarantine facilities.
Sa imported case naman ay siyam ang naitala ngayong araw, kung saan dalawa rito ay mula sa Pilipinas, at pito naman mula sa Indonesia.
Kabuuang datus ng COVID-19 sa bansa umabot na sa 15, 478 kung saan 1,250 ay imported at 14,175 naman ay local cases. At kabuuang bilang ng namatay pumalo na sa 778 kung saan 770 ay mga local cases base sa datus ng CECC.