Taipei, Taiwan ( May 18, 2021)-  Ngayong araw ay nagtala ng 240 local case at 5 imported case ng COVID-19 ang bansang Taiwan ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC).

Ayon kay Health Minister and CECC head Chen Shih-chung (陳時中), nasa 112 ang mga lalaki at 128 namang babae ang nahawaan ng COVID-19.

Naitala ito sa mga lugar ng 106 sa New Taipei City, 102 sa Taipei City, 12 sa Taoyuan City, 10 sa Changhua County, 3 sa Keelung, 3 sa Kaohsiung, 2 sa Hsinchu County ayon sa ahensya.

Ang mga bagong imported naman ay 2 mula Pilipinas, 2 mula sa Indonesia at 1 mula sa Kyrgyzstan.

Sa ngayon ay pumalo na sa 2,260 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa Taiwan kung saan 1,086 ay mga imported case at 1,121 naman ang local case kabilang na ang 36 mula sa Navy’s “Goodwill Fleet.” At nasa 14 naman ang mga nasawi.