Taiwan (July 12, 2021)- Bilang ng nahawaan ng COVID-19 sa bansang Taiwan, bahagyang bumababa kung saan ngayong araw ay 23 ang naitala base sa bagong datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center.
Ayon kay Health Minister at CECC Head Chen Shizhong, nagtala ang bansa ng 23 na bagong lokal na kaso ng COVID-19, isa ang naitalang imported na kaso at isa rin ang naitalang namatay.
Naitala ang mga bagong kaso sa mga lugar ng New Taipei City na merong sampung kaso ba sinundan naman ng Taipei City na merong siyam na kaso at tig-isang kaso naman sa mga lugar ng Keelung City, Taoyuan City, Hsinchu City at Taichung City.
Sa kabuuan ay umabot nasa 15,273 ang naitalang kaso sa Taiwan, kung saan 14,017 ay pawang lokal na kaso at nasa 1,203 naman ay mga imported na kaso, at kabuuang bilang ng namatay pumalo na sa 741.