Taiwan (August 15, 2021)- Bansang Taiwan nagtala ng 9 kaso ng COVID-19 base sa bagong datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon kay Health Minister at CECC Head Chen Shizhong, ang bansa ay nagtala ng 2 na kasong lokal at 7 na imported na kaso mula sa mga bansang Estados Unidos, South Korea, South Africa, Lithuania, at United Arab Emirates. At wala naman naitalang nasawi dahil sa COVID-19. Naitala ang mga bagong lokal na kaso sa New Taipei City at Taipei City.
Samantala inihayag rin ng Command Center na nasa 13,172 mula sa kabuuang 14,637 na kumpirmadong kaso mula sa buwan ng Mayo 11 hanggang Agosto 11, ang nakalabas na sa mga quarantine facilities o nasa 90% na ang mga nakalabas.
Sa kabuuang datus ng COVID-19 sa bansa ay umakyat na 15,852 kung saan 1,330 ay mga imported cases at nasa 14,469 naman ay mga local cases. At kabuuang bilang ng namatay ay pumalo na sa 821 kung saan 813 rito ay pawang mga local cases.