Taiwan (July 14, 2021)- Bilang ng lokal na kaso ng COVID-19 ngayong araw bumaba kung saan nagtala ng 17 na bagong kaso base sa datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon sa Command Center, ngayong araw ay 17 na local case ang naitala, samantala ang imported case ay tumaas naman kung saan 10 ang naitalang nagpositibo. At bilang naman ng namatay sa bagong datus ay 6 ang naitala.
Ang mga bagong lokal na kaso ay naitala sa mga lugar ng Taipei City kung saan meron 10 kaso, sinundan ng Taoyuan City na may 3 kaso. At ang New Taipei City naman ay nagtala ng pinakamababa bilang simula ng nagkaroon ng outbreak ang siyudad kung saan parehas sila ng Taichung City na nagtala ng 2 kaso lamang.
Samantala sa mga imported case naman kung saan tumaas ang bilang ang naitala na umabot 10, base sa bagong datus ay mula sa mga bansa ng Myanmar, United kingdom, Japan, Indonesia, at Mauritania.
Kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa umabot na sa 15,328 kung saan 1,214 ay pawang imported cases at nasa 14,061 naman ay mga local cases. At kabuuang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 ay pumalo na sa 753 katao.