Taiwan (August 17, 2021)- Bansang Taiwan nagtala ng 18 kaso ng COVID-19 base sa bagong datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon kay Health Minister at CECC Head Chen Shizhong, ang bansa ay nagtala ng 4 na kasong lokal at 14 na imported na kaso mula sa mga bansang Estados Unidos, United Kingdom, Myanmar at Australia. At wala naman naitalang nasawi dahil sa COVID-19. Naitala ang tig-dalawang mga bagong lokal na kaso sa New Taipei City at Taipei City.
Samantala inihayag rin ng Command Center na nasa 13,195 mula sa kabuuang 14,653 na kumpirmadong kaso mula sa buwan ng Mayo 11 hanggang Agosto 15, ang nakalabas na sa mga quarantine facilities o nasa 90% na ang mga nakalabas.
Sa kabuuang datus ng COVID-19 sa bansa ay umakyat na 15,880 kung saan 1,346 ay mga imported cases at nasa 14,481 naman ay mga local cases. At kabuuang bilang ng namatay ay pumalo na sa 821 kung saan 813 rito ay pawang mga local cases.