Taiwan (July 31, 2021)- Bansang Taiwan nagtala ng labing dalawang kaso ng COVID-19, base sa bagong datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon kay Health Minister at CECC Head Chen Shizhong, ang bansa ay nagtala ng labing isang lokal na kaso at isang imported na kaso, at wala namang naitalang nasawi dahil sa COVID-19.
Naitala ang mga bagong kaso sa New Taipei City kung saan anim ang naitala, apat naman sa Taipei City at isa sa Chiayi County.
Samantala inihayag rin ng Command Center na nasa 12,856 mula sa kabuuang 14,438 na kumpirmadong kaso mula sa buwan ng Mayo 11 hanggang Hulyo 29 ang nakalabas na sa mga quarantine facilities.
Sa kabuuang datus ng COVID-19 sa bansa ay umakyat na sa 15,674 ang bilang, kung saan 1,267 ay mga imported cases, at nasa 14,354 naman ay mga local cases. At ang kabuuang bilang ng mga namatay ay pumalo na sa 787 kung saan 779 rito ay pawang mga local cases.