Taiwan (August 14, 2021)- Bansang Taiwan nagtala ng pitong kaso ng COVID-19 base sa bagong datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon kay Health Minister at CECC Head Chen Shizhong, ang bansa ay nagtala ng 3 na kasong lokal at 4 na imported na kaso mula sa mga bansang Pilipinas, Indonesia, Vietnam at Russia. At 2 naman naitalang nasawi dahil sa COVID-19.
Naitala ang mga bagong lokal na kaso sa New Taipei City kung saan dalawang naitala, at isa naman sa Taipei City.
Sa kabuuang datus ng COVID-19 sa bansa ay umakyat na 15,843 kung saan 1,323 ay mga imported cases at nasa 14,443 naman ay mga local cases. At kabuuang bilang ng namatay ay pumalo na sa 821 kung saan 813 rito ay pawang mga local cases.