Taipei, Taiwan (May 15, 2021)- Itinaas na sa ikatlong lebel ang alarma sa COVID-19 ng CECC sa mga lugar ng Tapie at New Taipei dahil sa lumalalang kaso ng COVID-19. Ngayong araw ay nagtala ng 180 na bagong kaso.
Ngayong araw ng Sabado ay itinaas sa level 3 ng Central Epidemic Command Center (CECC) sa mga lugar ng Taipei City at New Taipei City at tatagal ito hanggang Mayo 28.
Sa ikatlong level ay bawal na ang mga Outdoor gathering na 10 katao mahigit at 5 naman katao sa indoor. At isasara naman pansamantala ang mga Non-essential business gaya ng mga sinehan, salon, spa, internet cafe, at mga KTV.
Sa level 3 ay obligado na ang lahat na magsuot ng face mask kapag lalabas bahay.
Itinaas ang alert level 3 sa maga nasabing lugar dahil naitala ang mahigit 10 lokal na kaso ng COVID-19.