Manila, Philippines (May 23, 2021)- Sa isang pahayag ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo, handa siyang makasama sa isang COVID-19 infomercial si Pangulong Rodrigo Duterte upang mahikayat pa ang maraming mamamayang Pilipino na magpabakuna laban sa COVID-19.
Dagdag pa sa kanyang pahayag, sa panahon ngayon ng pandemya ay dapat pinagtutulungang masolusyonan ang COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapalakas ng tiwala ng tao sa pagpapabakuna. Kung kaya, maaaring magsama sila ni Duterte sa isang kampanya tungkol sa bakuna laban COVID-19.
Noong Pebrero pa ay naglabas na ng “Vaccine Q&A” infomercial ang opisina ng Pangalawang Pangulo upang makapanghikayat pa ng maraming mamamayan na magpabakuna.
Aabot sa 70 milyon ang maaaring maturukan ng COVID-19 vaccine hanggang sa katapusan ng taon. Ito ang hinahangad ng bansa upang maproteksiyonan ang mamamayan at malabanan ang naturang sakit. Nasa 3.2 milyon na ang nabigyan ng bakuna sa bansa.