Taiwan (June 6, 2021)- Dahil sa hindi bumababang kaso ng COVID-19 sa bansang Taiwan, ang isa sa nakikita nilang dahilan ng mabilis na pagkalat ay sa mga public market at night market. Kaya naman ang CECC ay magpapatupad ng bagong regulasyon kung saan lilimitahan lahat ng mamimili ng hanggang isang oras lang ayon sa CECC.
Ayon kay Deputy Minister of Economic Affairs Lin Chuan-neng, lilimitahan na sa buong bansa ang pamimili sa mga tradisyunal public market hanggan isang oras lang upang ma-control ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon sa kalihim, sa mga public market ay kasama dito sa regulasyon ang mga nasa labas ng pagligid ng palengke o yung mga walang sariling pwesto. At sa tulong nag local government ng bawat lugar ay ipapatupad ang nasabing regulasyon kung saan magtatalaga ng mga pulis bilang bantay sa paligid upang mapanatili ang kaayusan at masunod ang health protocol.
Samantala ang Taipei City naman ay nagkaroon ng sariling panuntunan kung saan iminungkahi ng Mayor na magkaroon ng number coding sa pagpunta sa palengke at pagbabasihan ang last digit ng ARC. kung saan inaasahang tatlong beses lang sa isang linggo makakapamalengke ang bawat isa. At kung hindi pa rin daw magbabago at makita nila na punuan pa rin ang mga palengke ay maari nilang ipasara ang mga palengke na tatlong araw.