Taipei, Taiwan (Mayo 19, 2021)- Bansang Taiwan nagtala ng 275 na mag bagong kaso ng COVID-19 ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC).
Kinumpirma sa presscon ni Health Minister Chen Shizhong na 267 na bagong lokal na kaso ng COVID-19 ang naitala at 8 naman ay imported case kung saan 5 rito ay mula India, 2 mula sa Pilipinas, at 1 naman mula sa Japan. Sa datus lumalabas na nasa 140 mga babae at 127 namang mga lalaki ang nahawaan.
Ngayong araw ay 129 cases ang naitala sa New Taipei City, 70 cases naman sa Taipei City, 28 cases naman sa Changhua, 16 cases naman sa Taoyuan, 8 cases sa Kaohsiung City, 5 cases sa Taichung City, 4 cases sa Keelung, 3 cases naman sa Yilan County, 2 cases naman sa mga lugar ng Tainan at Hsinchu County.
Sa kabuuan ay umabot na 2,553 ang mga nagpositibo sa COVID-19, kung saan 1,094 ay imported case, at 1,386 naman ay local cases.