Ang pekas o melasma ay tumutukoy sa skin hyperpigmentation, isang karaniwang kondisyon sa balat. Ang melasma ay nakakahadlang sa natural na kulay ng balat at nagdudulot ng pagkabuo ng malalaki at maliliit na kulay kapeng patches sa mukha.
Ang pangunahing sanhi ng melasma ay ang labis na produksiyon ng melanin sa skin cells dulot ng matagal na pagkababad sa araw. Ngunit hindi lamang sa pagbabad sa araw ang dahilan kaya nagkaka melasma ang isang tao. Sanhi din ito ng hormonal changes ng katawan,problema sa thyroid, stress at paggamit ng birth control pills.
Ang gamot sa pekas sa mukha sa natural na paraan ay ang:
*Turmeric– may kakayahan ang turmeric na pababain ang melanin levels sa balat at malabanan ang problema sa pekas. Paghaluin ang 5 kutsarang turmeric powder at 10 kutsarang gatas upang makagawa ng paste. Maglagay ng 1 kutsara ng harina upang mas malapot ito. Ipahid maigi sa apektadong balat. Hayaang matuyo ng 20 minuto, pagkatapos ay banlawan ng maligamgam na tubig.
*Kalamansi juice – ang katas ng kalamansi ay isang mahusay na pampaputi ng balat dahil may astringent properties ito na pang protekta sa balat.
Kunin ang katas ng isang kalamansi. Lagyan ang apektadong bahagi ng mukha at dahan-dahang ipahid ng 1-2 minuto. Patagalin ng 20 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig.
*Sibuyas – ang katas ng sibuyas ay isa pang epektibong gamot sa pekas dahil ito ay nagtataglay ng sulfur-containing compounds na may kakayahang alisin ang maitim na bahagi ng katawan. Maghiwa ng 2-3 na sibuyas. Ilagay sa cheesecloth at pigain ito upang makuha ang katas. Sukatin ang nakuhang katas at haluan ng apple cider vinegar. Lagyan ang apektadong bahagi ng katawan gamit ang bulak. Ibabad Ng 20 minuto at banlawan ito.
*Papaya – ang papaya ay may natural na exfoliating agent na kayang puksain ang mga sirang skin cells. Masahin ang isang hinog na papaya hanggang maging paste ito. Lagyan ng 2 kutsara ng honey ang 1/2 baso ng mashed papaya paste. Ilagay ito na parang mask sa apektadong balat. Hayaan ng 20 minuto at banlawan
Marami ang mga paraan para matanggal ang melasma sa ating balat. Ang pinaka importante iwasan ang pagbilad sa araw ng matagal. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber at uminom ng maraming tubig para mailabas ang toxins sa ating katawan.
Disclaimer: OFW Buddy and its article may contain general information relating to various medical conditions and their treatment. Such information is provided for informational purposes only and is not meant to be a substitute for advice provided by a doctor or other qualified health care professional. Patients should not use the information contained herein for diagnosing a health or fitness problem or disease. Patients should always consult with a doctor or other health care professional for medical advice or information about diagnosis and treatment.