Courtesy of CNA NewsPhoto Courtesy from CNA News

Taipei, Taiwan (May 10, 2021)- Nasa dalampung mga OFW sa Taiwan inaresto dahil umano sa “Internet Fraud Ring” na target umano ang mga Taiwanese ayon sa Criminal Investigation Bureau (CIB).

Sa isinagawang Presscon ngayong Lunes ni CIB’s International Criminal Affairs Division Hsu Chao-pin, sinabi niyang ang 20 OFWs’ ay naaresto sa mga lugar ng Keelung, Taipei, New Taipei, Taoyuan, at Miaoli noong Enero 18, Marso 22 at Abril 19, kung saan ang grupo ay pinamumunuan umano ni “Edna”  nasa edad 35 na isang OFW na na-recruit umano ng isang “Fraud ring” sa Pilipinas.

Sa isinagawang raid ay nakuha sa mga suspect ang mga Bank book, ATM cards at mga resibo ng Money Remittance, kung saan nakakulimbat daw umano ang grupo nila ng aabot sa NT10 Million o 17 milyong piso sa pamamagitan ng Online Dating Website ayon sa CIB.

Samantala ayon sa CIB ang suspek na si “Edna” ang siyang leader ng grupo at kung saan pinangakuan umano ang kanyang mga na-recruit na OFWs’ na mas malaking sideline.

Sa ngayon ay nasa New Taipei District Prosecutors Office na ang kaso ayon sa CIB.

Source: Focus Taiwan