Israel (November 19, 2021)-Bansang Israel tumatanggap na ng mga fully vaccinated na mga foreign nationals kabilang na ang mula sa Pilipinas.
Ayon kay Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss, pwede na umanong pumasok ang mga foriegn national sa bansa nila kabilang na ang mga Pinoy, ngunit kailangan muna alamin ang mga specific entry guidelines at requirements bago mag-booking ng flights at tour packages.
Isa rin sa panuntunan ay dapat merong ma-ipresenta na negative reverse tanscription polymerse chain reaction (RT-PCR) test result, kuha dapat 72 oras bago ang departure at sasailalim rin sa panibagong swabtest pagdating sa airport at mandatory quarantine hanggang lumabas ang resulta.
Ang mga naturukan lamang ng bakuna tulad ng Pfizer, Moderna, Astrazeneca, Johnson & Johnson, Sinovac at Sinopharm o mga kilalang bakuna ng WHO ang tanging makakapasok sa bansang Israel.]
At isa rin sa pamantayan, dapat ang second dose ng bakuna ay hindi lalagpas sa anim na buwan at dapat ipresenta ang vaccination certificate.
Alinsunod na requirement sa gitna ng COVID pandemic ay kailangan pa rin mag-secure ng special entry permit ang lahat ng mga foreign national na nagnanais na pumasok sa bansang Israel.