Taiwan (June 20, 2021)- Inanunsyo ng Central Epidemic Command Center (CECC) na umabot na sa 67 ang namamatay na iniuugnay sa AztraZeneca Vaccine kung saan ang lahat ng pasyente at nasa 75 taong gulang pataas.
Ayon kay CECC Spokesperson Zhuang Renxiang, nasa 18 ngayong araw ang naitalang namatay na iniuugnay sa bakuna na AztraZeneca. Nasa 1.44 milyong bakuna ng Aztra ang ibinigay ng bansang Japan bilang donasyon sa Taiwan, kung saan 31,000 umano ay naiturok sa mga may edad 75 pataas.
Subalit ayon kay Health Minister at CECC Commander Chen Shizhong, sa mga isinagawang autopsy sa mga namatay ay lumalabas na wala umanong kinalaman ang bakuna ng AztraZeneca. Kung saan karamihan sa mga matatanda namatay ay mayroon chronic disease at Cardiovascular diseases.
Pinayuhan naman ng kalihim ang mga matatanda na sasailalim sa bakuna ay magpagaling muna at magpalakas ng katawan bago tumanggap ng bakuna.