Hirap ka bang mag sleeveless o magsando dahil sa maitim na kili kili? Gusto mo bang paputiin ito? Huwag ka nang mag alala, narito ang napakadaling paraan para pumuti ang ating kili-kili:
LEMON
Ang lemon ay may natural na cleansing properties at may bleaching properties. Ipahid ang lemon kasabay sa pagligo. Maari niyo itong gawin isa hanggang dalawang beses sa isang linggo.
PATATAS o PATATO
Alam niyo ba na ang patatas ay may natural bleaching properties din. Para gamitin ito maghiwa ng manipis na parte ng patatas at imasahe sa kilikili. Iwan ito sa loob ng lima hanggang pitong minuto at banlawan pagkatapos.
COCONUT OIL
Ang coconut oil o virgin coconut oil ay mayaman sa vitamin E na mahalaga para mapanatiling fresh ang mga balat natin. Nakakatulong ito para maging makinis at malambot ang kilikili. Epektibo rin ito pampawala ng body odor. Para gamitin ito, imasahe lang ang coconut oil sa kilikili at iwan nang sampung minuto. Banlawan pagkatapos.
BAKING SODA
Ang baking soda ay nagtataglay ng exfoliating properties na nagpapaganda sa ating mga balat. Nakakatulong ito para magtanggal ng mga dead cell na isa sa mga dahilan para mangitim ang ating mga kilikili. Ihalo ang baking soda sa tubig hanggang sa medyo maging malapot. Ipahid ito at dahan dahang iscrub. Pagkatapos ay banlawan.
PIPINO o CUCUMBER
Maghiwa ng manipis na kapiraso ng pipino at ikoskos nang marahan isa hanggang dalawang beses sa isang araw.
Sa mga gustong pumuti ang kanilang mga kilikili, sundin nyo lang po ang mga natural na paraan na hindi nyo na kailangan pang gumastos ng mahal dahil ang karamihan sa mga gamot at lunas ay nasa kusina lang po natin.
Disclaimer: OFW Buddy and its article may contain general information relating to various medical conditions and their treatment. Such information is provided for informational purposes only and is not meant to be a substitute for advice provided by a doctor or other qualified health care professional. Patients should not use the information contained herein for diagnosing a health or fitness problem or disease. Patients should always consult with a doctor or other health care professional for medical advice or information about diagnosis and treatment.