Taipei, Taiwan ( May 15, 2021)- Matapos magdeklara ngayong araw ang Taiwan’s Central Epidemic Command Center ng Level 3 COVID-19 Alert ay agad ipinag utos ang pansamantalang pagpapasara ng mga Non-essential Businesses tulad ng mga sinehan, sports center, leisure activities center, KTV at marami pang iba.
Ngayong araw rin ay nagpalabas ng anunsyo ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) Taipei Branch ng pansamantalang pagsusupende sa kanilang mga serbisyo tulad ng mga appointment sa pagpapa-notaryo, pagpapa-renew at pagkuha ng passport pati ang mga sasadyain sa OAV, POLO/OWWA, SSS, at Pag-IBIG.
Tatagal ang suspension ng serbisyo mula Mayo 16 hanggang Mayo 28, 2021. At inaabisuhan rin ng Embahada na maghintay ng susunod na anunsyo para sa re-scheduling.
Mananatili namang bukas sa serbisyo ang MECO Kaohsiung para sa may mga appointment lamang ayon sa Embahada.