Pilipinas (August 16, 2021)- Nagpapatuloy pa rin ang matinding bakbakan sa pagitan ng mga NPA at ng militar ngayong hapon sa bayan ng Dolores Eastern Samar matapos pasabugan mula sa Attack Helicopter ng Militar ang ang hinihinalang pagawaan ng bomba ng makakaliwang grupo na NPA.
Ayon sa inisyal na ulat ay dakong alas 3:30 ng madaling araw ng hulugan ng bomba ang isang lugar sa isang sitio sa Brgy. Osmeña, Dolores Eastern Samar matapos makatanggap ng tip mula sa mga residente na ang nasabing lugar ay pagawaan umano ng mga pampasabog ng mga NPA.
Ayon naman kay Capt. Potpot Aragones ng DPAO, ang paggamit ng Air Strike sa lugar ay isang paraan upang umano ma-nuetralize ang pwersang NPA.
Ayon naman kay Major General Pio Diñoso, Commanding Officer ng 8ID, nagsimula ng bakbakan dakong alas 4 ng umaga, at sa ngayon ay wala pa silang opisyal na bilang kung ilan na ang namatay sa panig ng NPA.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagtugis ng pwersang militar sa mga makakaliwang grupo na NPA.