Taiwan (August 16, 2021)- Ngayong araw ng Lunes ay naglabas ng bagong datus ang Central Epidemic Command Center (CECC), hinggil sa bilang ng COVID-19 sa bansa kung saan 10 ang naitalang mga bagong kaso.
Ayon sa Command Center, nagtala ang bansa ng 8 lokal na kaso at 2 namang imported case mula sa United States at Ghana. At wala namang naitalang namatay dahil sa COVID-19.
Naitala ang mga bagong kaso sa New Taipei City kung saan 6 katao ang nagpositibo. At tig-isa naman sa lugar ng Taipei City at Taoyuan City.
At mula naman sa buwan ng Mayo 11 hanggang Agosto 14 ay nasa 13,178 na ang mga nakalabas sa mga quarantine facilities sa kabuuan ng 14,644 o nasa 90% base sa datus.
Kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansang Taiwan ay pumalo na sa 15,862 kung saan 14,477 ay mga lokal cases at nasa 1,332 naman ay mga imported na kaso. At kabuuang bilang naman ng mga namatay ay pumalo na sa 821 kung saan 813 dito ay pawang mga lokal na kaso.