Taiwan (June 2, 2021)- Bansang Taiwan lumagpas na sa mahigit 8,000 lokal na kaso ng COVID-19 ang naitala matapos magtala ng 549 na bagong kaso ngayong araw ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon sa ahensya, ngayong araw ay nagtala ng 372 na mga bagong local cases at 177 na backlog local COVID-19 cases. Samantala nagtala naman ng 12 patay ayon sa CECC.
Naitala ang maraming kaso sa New Taipei City na may 310 local cases, Taipei City naman ay 152 cases, Taoyuan City 28 cases, Keelung City 18 cases. At ang Miaoli County naman ay biglang tumaas ang bilang kung saan nagtala ng 12 na mga bagong kaso, sinundan ng Changhua County na may 10 cases, Kaohsiung 5 cases, Taitung County 4 cases, Taichung City 3 cases, at tig-dalawa naman ang naitala sa mga lugar ng Hsinchu County at Tainan City. Samantala tig-isa naman ang naitala sa Hsinchu City, Nantou County, at Hualien County.
Sa kabuuan ay umabot na sa 9,389 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa. Kung saan 8,195 ay local case at 1,141 naman ay imported case, 36 mula sa Dunmu fleet, 2 mula sa Aircraft infection, 1 Unknown, at 14 under investigation.
Samantala kabuuang bilang ng namatay dahil sa COVID-19 umabot na sa 149 ayon sa CECC.