Taipei, Taiwan (May 25, 2021)- Kaso ng COVID-19 sa Taiwan lalong tumaas, ngayong araw ay nagtala ng 281 na mga bagong lokal kaso at 261 na backlog ayon sa Central Epidemic Command Center.
Ngayong araw ng Martes, kinumpirma ni Health Minister Chen Shizhong, na nagtala ng 6 na patay, at 2 imported case mula sa Pilipinas. Naitala naman ang 281 na mga bagong kaso ng local case at 261 backlog ang bansa.
Naitala ang mga bagong kaso sa mga lugar ng New Taipei City kung saan 154 ang naitala, 49 sa Taipei City, 16 sa Taoyuan City, tig-10 naman sa mga lugar ng Changhua County, Keelung City at Tainan City. At Taichung City naman ay 9 ang naitala. At sa Pingtung County at Hsinchu City ay tig-4 ang naitala. At tig- 3 naman sa Kaohsiung City at Yilan County. Samantala tig- 2 naman ang naitala sa mga lugar ng Taitung County, Nantou County, at Miaoli County. At tig-isa naman ang naitala sa Hsinchu County, Hualien County, at Yunlin County.
Sa kabuuan ay umabot na sa 5,456 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 1,118 ay imported case at 4,285 local cases at 35 ang naitalang kabuuang namatay.