Taipei, Taiwan (May 16, 2021)- Kinumpirma ng pamunuan ng Largan Company ang umano’y may nagpositibong empleyado sa kanilang kumpanya.

Ayon sa Largan mas lalo pa daw nilang paiigtingin ang Health Safety protocols alinsunod sa regulasyon ng Central Epidemic Command Center.

Sa kasalukuyan ay nagsagawa umano malawakang disinfection ang kumpanya. At sa kabila ng pagkakaroon ng COVID-19 positive ay hindi raw titigil ang kanilang production bagkus ay mas lalo pagiigtingin ang kanilang regulasyon laban sa nasabing sakit.

Sa ngayon ay naka-quarantine na raw ang mga nakasalamuha ng pasyente at hindi muna tatanggap ng mga foreign visitors ang kumpanya.

 

SourceĀ UDN