Taiwan ( June 1, 2021)- Kinumpirma ng pamunuan ng King Yuan Electronics Co. Ltd. (KYEC) na dalawa sa kanilang mga Filipino Migrant Workers ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa pamunuan ng KYEC, nakatanggap umano ng notification mula sa Chunan Health Center ang pamunuan ng Dormitory na meron silang dalawang migrant workers na nagpositibo sa PCR Test. Kaya noong Mayo 30 ng hating gabi hanggang madaling araw ay nagsagawa ng disinfection.
Ang isa sa nagpositibo ay Pinoy ay nasa edad 37 kung saan pumunta sa mga lugar na ito.
May 24, 2021
8:50-8:59 am – Filipino store at No. 29 Lane 78 Chung Hwa Road, Zhunan, Miaoli county ( patient had worn his mask)
17:20 – 17:30 Miaoli bus 5801 – No. 206 Zhongzheng Road, Toufen
18:50 – 19:00 Miaoli bus 5801
May 25, 2021
19:31 – Filipino store
May 27, 2021
15:20 – 15:42 Filipino store at No. 157 Chung Hwa road, Zhunan
May 28, 2021
09:20 – 10:30 Nag consult sa doctor
May 29 – 30, 2021
10:30 – 12:00 – Isolate sa dorm
May 31, 2021 – Sent to hospital for confinement
Samantala ang isa naman ay nasa edad 36 at pumunta sa mga lugar:
May 25-27, 2021
6:10 – 6:29 and 19: 20 – Filipino store at No. 29 Lane 78 Chunghua road, Zhunan
May 28, 2021
9:30 – 10:00 – Miaoli bus No. 5807
May 29, 2021 – Hospital swab test
May 29-30, 2021 – Isolated at the dorm
May 31, 2021 – Confined at the hospital
Samantala ayon sa pamunuan ng KYEC, sa kabila ng pagkakaroon ng positibo sa mga empleyado ay hindi naman apektado ang kanilang production sa buong planta.
Nilinaw rin ng pamunuan ng KYEC, na sinunod nila ang mga Health Protocol kung saan nagkaroon ng contact tracing, at isolation ng mga nakasalamuha na naka-quarantine ngayon sa Zaoqiao Township, na may isang kwarto bawat isang tao.
Ayon sa pamunuan ay kontrolado pa rin nila ang sitwasyon sa kumpanya at nagkaroon pa ito ng madalas na disinfection. At lalong pina-igting na mga panuntunan hinggil sa Health Protocol ng CECC.
Sa ngayon ang mga malalaking kumpanya na may nagpositibo sa COVID-19 ay ang AUO, Accton, Quanta, Advantech, Lite-on, Unimicron, Largan at KYEC.
Source: CNA