Taiwan (June 5, 2021)- Ngayong araw ng Sabado ay magkaroon ng panibagong COVID-19 Outbreak naman sa kumpanyang Greatek Electronics Inc., sa Zhunan, Miaoli County, kung saan 12 ang naitalang nagpositibo ngayong araw ayon sa Central Epidemic Command Center.

Ngayong araw ay kinumpirma ng pamunuan ng Greatek Electronics Inc. na may empleyado silang nagpositibo na kung saan ay mula sa KYEC Cluster. Sinabi rin ng pamunuan na isasailalim nila sa COVID-19 mass testing ang nasa 4,000 mga empleyado upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

 

SOURCE:TVBS