Taiwan (June 16, 2021)- Kaso ng COVID-19 sa Taiwan dahan-dahan ng bumaba base sa bagong datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC). Ngayong araw ay nagtala lamang ng 167 na bagong kaso, ito na ang ang pang-apat na araw na sunod-sunod na bumababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Minister at Commander ng CECC na si Chen Shizhong, ngayong araw ay nagtala ng 167 na mga bagong local cases at 3 naman ang imported. Subalit nasa 18 naman ang naitalang namatay dahil sa nasabing sakit.
Naitala ngayong araw ang mga bagong kaso sa mga lugar ng New Taipei City na nada 65 cases, Taipei City 50 cases, Miaoli County 21 cases, Taoyuan 14 cases, Hualien County 8 cases, Hsinchu County 5 cases, Keelung City 5 cases, Kaohsiung City at Taichung City ay pawang nagtala ng tig-isang kaso ng COVID-19.